Usapang Aklat 2022: Wattpad Books

Usapang Aklat 2022: Wattpad Books

Last year, same month nang magpost ako tungkol sa mga nabili kong libro sa buong taon. At dahil diyan, ibabahagi ko naman ang mga naipon kong aklat nitong 2022. At dahil medyo maraming budol na naganap, hinati ko sa tatlong post ang Usapang Aklat 2022. 

Ginawan ko ng category para sa mga ito para may isang pokus lang. Ang mga category ay: Wattpad Books, English Books at Filipino Books. At para sa unang category, mga WATTPAD BOOKS ang ibabahagi ko.

  • MADE IN BAGUIO at 24 HOURS ASAWA CHALLENGE ni THEXWHYS

Isa sa kinahumalingan kong story sa Wattpad ang Made in Baguio ni Thexwhys kaya naman nung ibalita ni Ms. Author na magkakaroon ito ng physical book, umorder ako. Nabasa ko na ang mismong kuwento nito sa Wattpad pero nakaka-excite pa rin basahin 'yung mismong book. Isa rin sa isinulat niya ang 24 Hours Asawa Challege na na-order ko sa Shopee store ng Psicom. Nabasa ko na rin ito online pero ayun nga, iba pa rin kasi 'yung mahawakan yung mismong book. Parehong maganda ang story ng dalawang libro niya. Isa siya sa paborito kong writer sa Wattpad. Ang taba kasi ng utak. Halos lahat ng mga nabasa kong story na gawa niya ay maganda. 

  • TRAPPED IN A CANDY at KNOCK, KNOCK, PROFESSOR ni IRSHWNDY
Nakilala ko si Irshwndy dahil sa sinulat niyang Knock, Knock, Professor. Isa rin siya para sa akin na may matabang utak. Nagustuhan ko ang paraan ng kanyang pagsasalaysay at iyong mga twist na hindi inaasahan. Parang pang-matalino rin ang mga kuwento niya dahil sa pag-iisipin ka bilang mambabasa.  Kaya noong pumunta ako sa MIBF last year (2022), natuwa akong makita ang kanyang book a Trapped in a Candy at nakapagpapirma pa nga at picture sa author. Hindi ko pa ito nababasa sa Wattpad kaya wala akong ideya pa sa kuwento pero knowing how she write sa tingin ko maganda ito. Sa tingin ko, magugustuhan ko ring basahin ang physical book na ito, maganda ang size, papel at mga letra.  Pagkatapos, natuwa ako sapagkat nagkaroon din ng physical book ang Knock Knock Professor. Kaya naman, pumunta ako sa mismong launching ng book kahit pa nabasa ko na ito online. Umaasa rin ako na iyong iba pa niyang novel ay magkaroon din ng book lalo na nga iyong dalawa pang novel na kasunod ng KKP.


  • THE RAIN IN ESPAÑA at SAFE SKIES, ARCHER ni 4REUMINCT
Noong magsimula ang pandemic, kinawilihan ko nang magbasa ng Wattpad pero last year ko lang binasa ang mga sinulat ni Gwy Saludes na University Series. May nakapagsabi kasing maganda raw ang mga ito kaya na-intriga ako. At sa sobrang paka-intriga ko, ayun natapos ko lahat ng mga anim na story. At natuwa ako nang ibalitang mapa-published ito. Dahil huli ko na nga nalaman ang tungkol sa mga kuwentong ito, Sake Skies, Archer ang una kong nabili sa Shopee, TLC box pa nga ito kaya nagkaroon ako ng Travel Journal. Ang TRIE naman ay nabili ko sa MIBF last year (2022). Natuwa ako nagkaroon ng reprint dahil ang hirap na makahanap ng unang na-published at mahal pa. Kahit na magkaiba ang cover noong unang lumabas na TRIE book, maganda naman ang size at sa papel ng libro.



  • WHO KILLED AGATHA? ni VCHESTERG
Palaging dumadaan ang pamagat ng kuwentong ito sa Wattpad at nagkaroon ako ng interes na alamin ang kuwento nito. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin ito nabasa sa online. May nakapagsabi sa akin na mahusay rin sumulat si Vchesterg kaya naisipan kong bumili na lamang ng book. Tutal naakit na naman ng pamagat ang interes ko kaya bibigyan ko na lamang ng panahon ang pagbabasa nito.


At iyan ang mga nabili kong mga kuwento sa Wattpad na nagkaroon ng physical book. Sabi ko nga, iba pa rin ang effect ng pagbabasa na hawak ang libro kaysa magbasa sa celfon. 


Ang kasunod na Usapang Aklat ay mga English book naman! (*^_^)

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me