Dapithapon sa Ahon Coffee. |
So for today's blog post, hahaha... naisip ko lang na magkuwento ng tungkol sa mga tinambayan naming mga kapihan at sa karaniwang topic namin. Hindi talaga ako mahilig sa kape, pero masarap makipagkuwentuhan sa kapihan dahil sa totoo lang hindi naman talaga kape ang ipinunta doon kundi para magtanggal lang ng stress at malibang pansamantala pagkatapos ng maghapong ginawa sa trabaho o kaya dahil nakaka-stress lang talaga ang mundo.
Narito ang napuntahan na naming mga kapihan dito sa Antipolo. Mabilisang kuwento lang naman ito.
Along Sumulong Hi-way lang po ito. Open area as in literal na mga upuan lang ito at nasa ilalim ng mga puno at masarap tambayan. Maliit lang yung stall mismo. May kape at iba't ibang pastries tulad ng Chocolate Chip Cookie, Brownies at Muffins. Masarap pumunta dito kapag malapit nang lumubog ang araw tapos sabay-sabay ninyong pagmamasadan ang paghahalo ng dilim at liwanag. 'Echos! Murayta lang din naman ang presyo.
So ito ang kuwento, noong nagpunta kami dito kung ano-ano ang pinag-usapan namin. Pero ang isang pahayag na naglalaro sa akin noon ay 'yung 'ihahatid kita as a friend.' Sa totoo lang, off sa akin ang paulit-ulit na pagbanggit nito. Kung talagang friend mo siya di na dapat iyon pinagdidiinan pa. Isa pa, kung talagang magkaibigan lang ang turing mo sa kanya, di ba dapat hindi ka gumagawa ng mga bagay na higit pa sa pagiging kaibigan. Tapos, mag-iinsist na kaibigan lang. Ang sakit n'on! Real talk lang, bato-bato sa langit ang tamaan...ay sorry naman!
Along Marcos Hi-way naman ito. Nasa gitna ang kapihan na ito ng dalawang punerarya...ayon sa mga kasama ko, kaya raw ganoon ang pangalan. Natuwa ako dito kasi ang cozy doon sa pinakaloob na open area. May mga couch na parang ang sarap humilata at magpahinga. Iyon nga lamang walang view na makikita kundi kayo-kayo lang rin na nag-uubos ng oras para maghuntahan. Marami ditong pagpipiliang mga pagkain at inumin.
Dito naman naging paksa namin ang tungkol sa love...kung bakit wala pang lovelife...bakit hindi nag-work ang relationship? Wala namang kasing perfect relationship di ba, kaya kung minsan hindi talaga napapanatili ang alab ng pag-ibig at humantong sa hiwalayan. Minsan din dahil sa tiwalang binibigay natin ...ayun ipinagpalit na pala tayo sa iba. Pero kahit ganoon pa man, dapat pa ring sumubok umibig. Mas piliin pa ring maging masaya dulot ng pag-ibig pero handang masaktan. Charot!
Nasa loob ito ng Grand Heights Subdivision, lagpas ng Pinto Art Museum. Maganda ang view dito at masarap ding tambayan lalo na sa pinakataas nila. Sarap ding pagmasdan paglubog ng araw sa kapihang ito. Marami ring makakain dito bukod sa kape. Bagay itong puntahan ng mga gustong umawra at magpicture-picture.
Madami kaming napagkuwentuhan dito noong nagpunta kami at sa sobrang dami, inabutan na kami ng closing at kami ang huling bumaba mula sa taas. Anyway, isa sa mga paksa namin dito ay tungkol sa halaga at pagtingin sa iba pang posibleng mgadarating sa buhay natin. Well, pag-ibig ulit.
Bilang babae dapat kasi alam mo 'yung worth mo at kung worth it bang ilaban pa ang nararamdaman mo kung hindi naman ito napapahalagahan. Wala tayong magagawa kung may mga pa-fall na mga lalaki na maang-maangan na wala silang ginagawa. Tapos masasaktan at iiyakan pero wala namang karapatan. Ang tanong worth it bang iyakan? Worth it bang ilaban pa? Kapag nasasaktan ka na...subukan nang bumitaw at tumingin sa mga bagong nakikilala o ipinakikilala. Move on din kapag may time.
So ayun na nga, karaniwang napagkukuwentuhan sa mga kapehang itong ay tungkol sa love...minsan tungkol sa pamilya pero babalik ulit sa usapang pakikipagrelasyon at pag-ibig. Marami-rami pang kapihan kaming tinatambayan pero sa ngayon iyan munang tatlo. May part 2 pa naman. (*^_^)
Walang komento: