Usapang Wattpad

Usapang Wattpad

May Wattpad account ka ba? Ako mayroon.

Ito na nga 'yun. 

Sampung taon na akong may account at isang tula pa lamang ang na-publish ko rito...dalawa na dapat pero itinago ko muna ulit. 


Maikuwento ko lang na kaya ako gumawa ng account sa Wattpad ten years ago ay dahil gusto kong magsulat at may mga naisulat na rin naman ako. Pero hindi ko nagawang i-publish ang mga ito dahil sa nagkaroon noon ng isyu sa copyright kaya nanatili at inaamag na sa draft ang ilan dito. Kaya nagbasa na lang muna ako. Hindi pa uso ang mga android phone noon kaya nagtitiis kaming magbasa sa phone naming de-keypad pa at sa totoo lang ang hirap magbasa pero kinaya naman. 


Isa sa mga nabasa ko sa ganoong paraan ang Diary ng Panget at iba pa na sinasabi sa akin ng mga student ko dati. Pero dahil ang hirap ngang magbasa noon sa cellphone kaya itinigil ko. Isa pa, hindi rin naman ganoon kaganda ang internet connection kaya natigil ako sa pagbabasa. Pero binibisita ko paminsan-minsan ang account ko at kahit paano may nag-follow naman kahit wala namang laman.


Last year, nagkaroon akong muli ng interes na magbasa ng mga Wattpad stories dahil sa TV series na He's Into Her. Na-enganyo akong basahin yung mismong novel sa Wattpad dahil sa may mga binabanggit 'yung anak ko tungkol sa kaibahan daw ng ipapalabas pa lang noon na series. 


Para malaman ko kung anong sinasabi niya sinimulan kong basahin ang He's Into Her...iyon pala may Season 1...2...3...at may iba pang mga karugtong na mga book. At simula noon mas pinipili ko nang magbasa kaysa manood ng mga series, as in.


At dahil nga nawili na akong magbasa nang magbasa, ayun kung sino-sino nang writer ang mga nahanap ko at naging bet ko ang kanilang mga isinulat. 


Kaya naman narito ang ilan sa mga sinundan kong author sa Wattpad last year:



    
            Unahin ko na siya dahil siya ang writer/author ng He's Into Her. Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng tatlong libro niya tungkol kay Maxpein at Deib Lhor. Pero halos lahat ng mga kuwento niya nabasa ko na rin. At dahil nga sa nahumaling ako ng husto sa kanya...bumili pa ako ng physical book ng HIH at ng Moon. Sa ngayon may mga on-going pa siyang mga sinusundan ko, matagal nga lang ang update pero ayos lang dahil marami pa rin naman akong ibang binabasa.


  
            Nabanggit ng anak ko ang tungkol sa nobela niyang Made in Baguio. Dahil naghahanap din naman ako ng bagong babasahin kaya naman sinimulan kong basahin ang MIB. Ayun na nga, ang ganda lang ng story na hindi ko halos maitigil ang pagbabasa. Hanggang iinisa-isa ko na ring basahin ang iba pa niyang mga nobela. Natutuwa ako dahil sa kakaiba ang mga kuwento niya sa karaniwan. Gusto ko 'yung mga paksang tinatalakay niya sa nobela gaya ng mental health, abuse at iba pa. Syempre budol is real din kaya dapat magkaroon din ako ng physical book ng MIB.


  

 
            Nagkainteres naman ako sa writer na ito dahil sinulat niyang My Short Tempered Husband. Nakakatuwang basahin ang mga nobela niya kaya nga lang may mga explicit matured scenes na hindi pwede sa mga young readers. May action, romance at comedy ang mga gawa niya.

                

                Natagpuan ko naman ang author na ito dahil sa kuwento niyang A Beautiful Disaster which I really like and I'm lucky enough that I've read it before it goes to paid story. Natutuwa ko kung paano niya isinasalaysay ang mga pangyayari. Kaya naman halos mabasa ko na lahat ng mga ginawa niya kahit pa may ilang hindi happy ending pero ayos lang naman. Hindi naman lahat ng kuwento ay happy ending. 


    
            Palaging dumadaan sa paningin ko ang mga nobela niya pero hindi ko binabasa. At nang minsang wala na akong mabasa, sinimulan kong basahin ang gawa niyang The Wayward Son In Aklan. Parang sa buong pagbabasa ko ng nobela na niya nakangiti ako. Natutuwa ako sa paraan ng pagsasalaysay niya kaya siguro dalang-dala ako. Dahil napatawa niya ako, inisa-isa ko nang nilagay sa library ko ang mga gawa niya.  


May ilan pa akong mga sinundan at mga nabasang mga nobela. Hindi ko lang isinama dahil isa pa lang ang nabasa kong gawa nila. Ngayong taon na ito, titingnan ko kung sino na naman sa mga bago kong matitipuhang mga author. 


Adik na nga yata ko dahil lagi akong looking forward sa pagbabasa sa Wattpad. Kung dati-rati pinupulaan ang mga kuwentong nasa apps na ito sa ngayon marami nang worthy basahin. Marami na ang mga bagong manunulat na may iba't ibang paksang tinatalakay at kapupulutan din ng aral. 


Kung tatanungin niyo naman ako kung ipa-publish ko ba ang mga ginawa ko. Ayun, pag-iisipan ko pa. 
Pero salamat na agad sa suporta. (*^_^)


 

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me