- KALIMBAHAIN: MGA DAGLI
Unahin ko na ito dahil kasama sa aklat na ito ang dalawang dagli na isinulat ko. Ito ay naglalaman ng mga dagling isinulat ng mga manunulat na babae. Mababasa rito ang iba’t ibang karanasan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng dagli. Na-release ito noong March at tuwang-tuwa ako dahil nga nakasama ang mga sinulat ko. Ito ay mula sa 7-Eyes Productions, OPC.
- HE’S INTO HER (SEASON 1 to 3 BUNDLE) ni Maxinejiji
Bago ko pa ito bilhin, nabasa ko na ito sa Wattpad pero dahil gusto ko ng physical copy ng kuwento ni Deib Lhor at Maxpein bumili ako. Binasa ko ito noong binalitang ipapalabas na ang series na pinagbibidahan ni Donny Pangilinan at Belle Mariano. Madalas kapag may mga ginagawang movie mula sa mga libro ginugusto ko munang basahin ‘yung book. Malaki ang kaibahan ng nasa book sa mismong series pero pareho ko namang nagustuhan ang kuwento. Mas astig nga lang ‘yung sa Wattpad/book. Nabili ko itong libro na kay Mader Maneng sa fb.
- WORTHLESS ni Jonaxx
Mula rin ang kuwento na ito sa Wattpad. Hindi ko na matandaan kung nabasa ko na ba ito sa Wattpad noon pero kaya rin ako bumili nito dahil nabasa ko noon ‘yung Heartless at dahil mas gusto ko rin na may physical copy kaya bumili rin ako. Kay Mader Maneng ko rin ito in-order.
- MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS 2 ni Yanalovesyou
Simula nang basahin ko ang HIH sa Wattpad, nagsunod-sunod na ako sa pagbabasa ng iba pang kuwento at isa ito sa mga nagustuhan ko. Nakakatawa kasi iyong Season 1 nito na binasa ko sa Wattpad kaya lang itong Season 2 paid story na kaya noong nakita ko ito sa National Book Store binili ko na. Nakakatuwa kasi si Aemie at Zeke.
- MGA MUNTING BABAE ni Louisa May Alcott (Salin sa Filipino nila Rowena Festin at Sophia Flor Perez at in-edit ni Bibeth Orteza)
Natuwa ako nang malaman ko na may Filipino Version na ang Little Women. Isa kasi ito sa mga gusto kong nobela. May English version na naman ako nito pero iba kasi kapag nakasulat sa sariling wika. Nabili ko naman ito sa Southern Voices Printing Press. Sa kanila ko rin nabili noong 2020 ‘yung Filipino Version ng The Little Prince.
- JANUS SILANG BOOK 1 to 5 ni Edgar Calabia Samar
Sa totoo lang ang hirap makahanap ng librong ito noon kaya ang ending nabasa ko ang Book 1 to 4 dahil may nagpahiram sa aking kaibigan. Kaya naman nabasa ko na ang ‘yung unang apat na aklat nito bago pa ako magkaroon ng sariling kopya at dahil noong nakaraang taon ni-release ang Book 5 natuwa akong makita na may mga book bundle promo para dito. Sa sobrang excited ko pa sa pagbili, hindi ko na nahintay ‘yung release date ng Book 5 kaya nauna kong na-order yung apat na libro bago ko pa inorder naman ‘yung huling aklat. Nakuha ko naman ang mga ito sa Adarna House.
Bakit ko pa binili ‘yung apat, gusto kong magre-read pero hahanapan ko pa ng oras sa ngayon. (Hehehe…) Isa pa, iba pa rin talaga ang may sariling kopya.
- DICCIONARIO MITOLOGICO DE FILIPINAS ni Ferdinand Blumentritt
Hindi ito nobela o kuwento tulad ng mga nauna pero nakakatuwang malaman ang mitolohiyang mayroon tayo. Naglalaman ito ng mga termino, paliwanag at mga larawan. Maganda ring paglaanan ng oras na silip-silipin araw-araw para sa mga bagong kaalaman dahil diksyunaro ito. Nabili ko naman ito sa Libreria Filipiniana.
- MOON ni Maxine Lat
Si Maxine Lat at Maxinejiji ay iisa at connected ang book na ito sa HIH. Nabasa ko na rin ito sa Wattpad pero dahil inviting ‘yung itsura nung mismong libro bumili ako. Mas nagbigay linaw ito sa katauhan ni Maxpien Zin Del Valle at dahil bet ko ang kuwento niya dapat may kopya ako. Kay Mader Maneng ko rin ito in-order at halos apat na buwan ko rin itong hinintay mabuti na lang din na bago lumipat ang taon ay dumating na ito sa wakas.
Karamihan ng mga dumagdag sa aking koleksyon noong nakaraang taon ay mula Wattpad dahil nabubuyo ako sa app na ito. Sa susunod na naman ay tungkol naman sa mga nabasa kong kuwento sa Wattpad ang iisa-isahin ko.
Kung para sa iba gastos lang ang pagbili ng libro para sa akin kayamanan ko ito. Gusto ko ang comfort na binibigay ng mga istoryang binabasa ko at s’yempre maraming lesson in life na nakapaloob dito. Kaya naman magbasa na rin kayo.
Walang komento: