Tula: Doon sa Nayon

Tula: Doon sa Nayon


Bilang pakikiisa ngayong Buwan ng Panitikan, naisip kong magpaskil ng mga sinulat ko mula noon hanggang sa ngayon. Maaring ang iba rito ay mga hilaw pa ngunit bunga ito ng aking mga naramdaman o kaya naman ay karansan.

Ang una kong ibabahagi ay isa sa mga dapat na ipapasa kong mga serye ng tula ngunit hindi ko natapos. Ito ang unang tula tungkol sa kinalakihan kong lugar.

Doon sa Nayon
Ni Marvilyn Bon-Mixto

Alaala ng kahapon sa aki’y nagbabalik
Mga panahong wala pang iniisip
Nangangarap na pagbigyan ang mga hilig
Na tumakbo’t maglaro ng walang patid.

Sa umaga bubungad ang malawak na lupain
Maraming punong manga at bulak ang nakatanim
May mga baka at kalabaw sa damuhan nanginginain
Kaya tuwing umaga, masarap na gatas ang hain.

May mga katotong magtatawag maglaro
Piko, tumbang preso, at patintero
Sa lilim ng punong Narra tatakbo
At saka maglalaro ng holen, teks at siato.

Sa ilalim naman ng malaking punong manga
Ay maghahabulan at maghuhuntahan
Kapag sa paglalaro’y gutom ay naramdaman
Aakyat at mangunguha ng hinog na bunga.

Tuwing taglagas ang punong kamagong,
Doo’y magtatakbuhan at magbibiruan,
Mag-uunahang saluhin ang mga dahon
At saka iiitsa sa kalarong kabiruan.

Magyayayaan sa kani-kaniyang bakuran,
Aakyat sa puno ng santol, manga at bayabas
Manginginain habang nag-uusapan
Mga kuwentong sa komiks natunghayan.

Sa hapon, kapag palubog na ang araw
Maglalaro naman ng tagu-taguan
Sa ilalim ng buwan tiyak ang maiiwan 
Ang taya na patuloy na naghahanap.# 
(*^_^)

1 komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me