Napapanahon ang awiting ni-release ng Ben&Ben mag-aapat na buwan na ang nakalipas. Tumatalakay sa pagkakaroon ng unawaan sa kabila ng mga nangyayari sa atin ngayon.
Ang mga unang linya ng awitin at ang melodiya nito ang umakit sa akin para ulit-uliting pakinggan ito at naging last song syndrome pa nga. Hindi ko alam pero iba ang tagos ng awiting ito sa akin dahil na rin siguro sa magandang mensahe nito.
Ngunit kahit matagal ko na itong pinakikinggan, hindi ko pa napanood ang music video nito. Bagaman alam kong meron, hindi ko talaga nabigyan ng oras para panoorin dahil sa may mga bagay pa akong pinagkakaabalahan.
Dalawang linggo na ang nakapalipas nang una kong mapanoood ang MV nito at ewan ko ba pero pinaiyak ako ng bidyo. (Mababaw lang talaga luha ko.) Damang-dama ko ang emosyon sa bidyo kasabay ng liriko ng awitin na talagang nasapul ako ni hindi ako naka-ilag.
Napakaganda ng mensahe na gustong iparating ng awitin na ito at iginawa pa ng music bidyo na bagay na bagay sa tema nito. Sana nga ay maging bukas tayo sa pag-unawa sa iba't ibang paniniwala ng bawat isa at magkaroon ng panahong makinig at mapakinggan.
May pagkakataon kasing pinakikinggan lamang natin ang gusto nating marinig pero hindi natin inuunawa ang sinasabi sa atin. Kaya imbes na magkaunawaan, nauuwi sa pagtatalo.
Sa panahong mayroon tayo ngayon napakahalaga na unawain natin ang sitwasyon ng bawat isa. Mas maganda na sama-samang hinaharap ang pandemyang ito na magkakasama, pamilya, kaibigan o katrabaho pa man iyan. Mas magiging magaan sa pakiramdam kung alam mong napapakinggan ka at nauunawaan ka katulad ng ginagawa mong pakikinig at pag-unawa sa kanila.
Maraming awitin ang bandang ito na naibigan ko bagaman hindi ko matiyak kung fan ba talaga ako pero sigurado ako na tagapakinig nila ako. Sana nga ay patuloy silang bumuo ng mga awiting makahulugan at may mamagandang mensahe.
Narito ang liriko ng awitin nila:
Nakikinig ka ba sa akin?
Ben & Ben
Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit
Uunawain kita para 'di tayo maging
Epidemyang 'di matapos-tapos sugpuin
O problemang 'di makita, sa'n ang salarin?
Tayo ba ay naging makasarili?
Sarado ba'ng tenga sa mga hiling?
Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Kung mayro'n kang pupurihin
Sige lang, gawin mo 'yan
Kung mayro'n kang babatikusin
Sige lang, gawin mo 'yan
Mahalaga'y bawat isa'y mapakinggan
Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Patawad na sa pagkukulang
Naririnig kita
Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba sa akin?
Ang bukas ay ating yakapin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin
Nakikinig ka ba? (Sasalubungin kita)
Nakikinig ka ba? (Sa dulo ng 'yong galit)
Nakikinig ka ba? (Uunawain kita)
Nakikinig ka ba? (Para 'di tayo maging...)
Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit
Larawan ay mula sa:
Screencap ng video
Walang komento: