Komiks ba hanap mo?

Komiks ba hanap mo?

Isa sa mga bumuhay ng aking imahinasyon noong ako'y bata pa ay ang pagbabasa ng komiks tulad ng Funny komiks, Pinoy Klasik at mga komiks sa magasing Liwayway. At masasabi kong hanggang sa ngayon ay naaaliw pa rin akong magbasa nito kaya nga lamang bihira na ang komiks sa panahong ito. Pero isang website ang aking natagpuan kung saan maari kang makabasa ng mga komiks na gawang Pinoy. 



Isang anunsyo ang aking nabasa sa isang FB page (Kalabaw Kolektib) tungkol sa paglulunsad ng isang website na maaring puntahan ng mga mahilig sa Pinoy komiks. Ito ang penlab.ink na inilunsad noong September 5. At dahil sa mahilig nga ako sa ganitong babasahin, pinasyalan ko agad ito. 


May iba't ibang genre ng mga babasahing komiks ang makikita dito na nasa wikang Filipino o kaya naman sa Ingles. Kung ikaw naman ay may talento ka sa pagbuo ng komiks maari mong mai-publish sa site na ito ang iyong gawa. 


Nakakatuwang pampalipas oras at pantanggal stress ang pagbabasa sa site na ito. Ilan sa mga nagustuhan kong kuwento dito ay ang sumusunod:


1. Dapit Hapon - tungkol ito sa magkakaibigang sina Geronimo, Raphael at Liu Min. Tatlong episode pa lamang ito sa ngayon. At masasabi kong nasasabik na akong mabasa ang kasunod nito...willing to wait naman ako.



2. Nagmamahal, Maria Clara - tungkol ito kay Maria Clara sa Noli Me Tangere na napadpad sa panahon natin ngayon. May tatlong episode na rin ito sa ngayon. Naaliw ako sa konsepto ng komiks na ito at sa  kung ano pa ang mga maaring maranasan ni Maria Clara sa kasalukuyan.




3. Super Proxies - ito naman ay tungkol sa isang group na maaring tawagin para mag-proxy sa pangangailangan ng kanilang kliyente. May dalawang episode na ito at nakakatuwa ang mga ito. 




Maraming pang pagpipiliang kuwento sa site na ito na nakatutuwang basahin. May comedy, drama , suspense, romance, indie, sci-fi at fantasy. Kaya naman kung gusto ninyong maaliw o makabasa ng mga komiks na gawang Pilipno, pasyalan na ninyo ang penlab at suportahan natin ang mga lumillikha ng mga ito. Natitiyak ko namang mag-eenjoy kayo sa pagbabasa ng mga ito.(*^_^)


  

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me