Nagsimula ito noong bata pa si Ped na nagkaroon ng paghanga kay Ern. Ito kasi ang nagpakilala sa kanya ng rock music. Pinahiram siya nito ng cassette tape kung saan naka-record ang mga ganoong genre ng kanta. Sinubukan niya itong kantahin gamit ang gitarang hiniram sa matalik niyang kaibigan na si Khung at ni-record ang pagkanta niya. Binalak niyang ibigay ito kay Ern kaya lang hindi siya nagkaroon ng pagkakataon hanggang makaalis na ito papuntang Bangkok.
Hayskul na sila nang bumalik at magkita ulit ni Ern. Nanumbalik ulit ang paghanga niya dito. Samantala, ang kanyang bespren na si Khung ay nagplanong bumuo ng isang banda para kalabanin ang grupo ng kakambal niyang si Kae at para mapansin daw ng mga girls.
Khung |
Ped |
Ex |
Ern |
Lagi silang magkakasama bilang isang grupo at dahil dito sinabi ni Khung kay Ped na may gusto siya kay Ern. At dito pumasok ang conflict sa pagitan ni Ped at Khung. Habang si Ern naman ay may gusto naman kay Ped.
Isa na naman itong Thai Film na talaga namang bumuhay sa alaala ng aking kabataan. Parang ipapaalala nito ang isang bahagi ng buhay mo noong kabataan kung saan naghahanap tayo ng mga taong tatanggap sa atin, magkakaroon ng mga crushes at first love at higit sa lahat pagkakaroon ng kagustuhang maabot ang pangarap para may mapatunayan.
Nakakatuwa ang kabuuan ng pelikula at ang mga artistang gumanap. Mas naging maganda pa ito dahil hinaluan ng mga musika ng mga sikat na banda at kahit pa nga iba ang salita nila, ang ganda ng melody at meaning ng mga kanta na ini-relate sa mga eksena ng bawat tauhan.
Ang title din ng pelikulang ito eh, nakaka-intriga… Suck Seed (Succeed). Si Khung ang nakaisip ng pangalan na ito ng kanilang banda. Ito ang panahon na nabusted siya ni Ern at si Ex naman ay ipinagpalit ng gusto niyang babae sa isang tibo. Habang si Ped ay nasa gitna ng pag-iisip kung sino ang pipiliin ang kaibigan o si Ern.
Ang simple ng story pero madadala ka ng mga eksena sa mga tawanan at maging sa mga medyo malungkot na part. Well, naiyak din ako sa movie na ito. Para kasing magkakaroon ng flashback sa memory mo ang high school life.
Bagay na bagay ito sa mga kabataan, sa mga isip bata, mahilig sa music at sa mga gustong makapanood ng kakaibang kuwento ng pagkakaibigan. Isa itong panalong sound trip!
Hindi ito mabubuo kung wala si Director Chayanop Boonprakob na siya ring utak ng buong pelikula. Ipinalabas ito noong March 17, 2011. Malaki ng kinita ng pelikulang ito, patunay lang na maganda ang story. (*^_^)
Pahabol ... eto ang Trailer nito.
Repost ko lang ito mula sa dati kong blog. ✌
Photo credits:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.imdb.com%2Ftitle%2Ftt1869682%2F&psig=AOvVaw3_-lj8UNF2izL_K-d3S8Zl&ust=1601398221524000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKja4rOnjOwCFQAAAAAdAAAAABAV
Walang komento: