Destiny is building bridges to the one you love…
-lines from My Sassy Girl
Year 2001 nang ma-release ang My Sassy Girl na based sa true story na nasulat sa blog ni Kim Ho-sik. Ito ay isang romantic comedy film na mula sa South Korea sa direksyon ni Kwak Jae-yong.
Ilang beses ko nang napanood ang South Korean Version (orig), lagpas na sa daliri ng aking kamay at paa. At ganoon din karaming beses akong umiyak sa kuwento nito. Kaya naman nang malaman kong mayroon itong US version biglang nabuo ang tanong sa isip ko, kung kasing ganda kaya ito ng original?
Year 2008 nang i-remake ng US ang pelikulang ito sa direksyon ni Yann Samuell. It was based from the original story pero may mga nabago at may kissing scene sa huli kung saan hoping ako na wala.
Simula nang napanood ko ito 2002, paulit-ulit ko na itong pinanood dahil sa bet na bet ko. Pinalabas din ito sa mga sinehan dito sa Pilipinas dubbed in Filipino kaya nga lang may maraming cut.
Maganda ang kuwento, interesting ang simula at may kakaibang dating ang bawat eksena. Sa unang bahagi, nakakaaliw dahil sa mga kakaibang trip ni Girl (Jun Ji-hyun). Sa kabuuan ng film hindi nabanggit ang pangalan ng bidang babae kaya GIRL ang tawag ni Gweon Woo (Cha Tae-hyun) dito at siya rin ang narrator.
Nakilala ni Gweon Woo si Girl sa train station kung saan muntik itong mahagip ng paparating na train. Lasing kasi 'yung babae at pagewang-gewang na kung tumayo at dahil sa sobrang kalasingan nito ay nagsuka at natumba ito sa loob ng train pagkatapos nawalan ng malay. Pero bago ito tuluyang natumba tinawag siya nitong Honey na inakala ng lahat na siya ang boyfriend nito. Ayaw na niya sanang pakialaman ang babae matapos niyang pasanin pababa ng train pero ang ending dinala niya ito sa isang motel dahil hindi niya alam ang bahay nito.
Simula noon, madalas na silang magkita at kung ano-ano ang pinagawa ng babae kay Gweon Woo tulad ng pagsusuot ng high heels, pagpapabasa sa mga sinulat nitong mga kwento na ang mga bida ay galing sa future, pagtalon sa dagat, paghahanda para sa birthday nito at ang pagbibigay ng pulang rosas sa oras ng recital nito sa all girls school na talaga naman nakakakilig. (Tinugtog dito ang Canon D, simula noon naibigan ko na ito.)
Isa sa mga eksenang nagustuhan ko ay ang bahagi na pinapunta ni girl si Gweon Woo sa restaurant kung saan may ka-date itong ibang lalaki. Dito inisa-isa ni Gweon Woo sa ka-date ni Girl ang 10 rules na dapat tandaan kapag kasama ang girl. Emotional ang eksena dahil sinabi niya ito habang nasa CR 'yung girl at pagbalik nito ay nakaalis na siya pero sinundan siya nito patungo sa train station na background music ang I believe na OST ng movie. (Kilig lang.)
Nakakakilig ang kabuuan ng movie. Nakakatawa at kakaiba. Nagustuhan ko ang character ni Gweon Woo at napa-isip ako kung may ganoon pa kayang lalaki sa ngayon. Nakaramdam ako ng kilig kahit walang kissing scene. Maganda ang cinematography at magaling ang mga gumanap.
Halos ganoon din ang takbo ng US version ng My Sassy Girl. Iyon nga lang hindi sa loob ng train naganap kundi sa waiting area. Hindi rin dinala sa motel ‘yung girl kundi sa bahay ng kaibigan ng bidang lalaki. At hindi rin sila umakyat ng bundok para magbaon ng time capsule na pinaglagyan nila ng kanilang letter. Sa isang banda, nakita kong mas realistic ang US version kaysa sa original lalo na sa huling bahagi nito.
Noong una, pakiramdam ko magugustuhan ang US version ng pelikulang ito pero masyado lang yata akong naging negative. Maganda rin naman ang pagkakagawa ng US version. Naisip ko rin na hindi ko pala dapat hanapin ‘yung style ng Korean sa US version dahil magkaiba sila.
Repost ko lang ito mula sa aking naunang blog dahil isa ito sa hindi ko malilimutang pelikula mula sa SK ni-revise ko lang ng konti. (*^_^)
Photo credits:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.imdb.com%2Ftitle%2Ftt0293715%2Fmediaviewer%2Frm3826216192&psig=AOvVaw0pBG2TxWT0W4_R9YwK0yM-&ust=1602254508054000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJjq0K6dpewCFQAAAAAdAAAAABAD
Walang komento: